Arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng hindi na umabot sa 1,000 pagsapit ng katapusan Nobyembre – OCTA

Ibinaba pa ang OCTA Research Group ang projection nito sa bilang ng maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido david, posibleng mas mababa pa sa isang libong kaso ang maitala sa katapusan ng Nobyembre.

Mas kaunti ito sa una nilang projection na 2,000.


Bukod dito, bumubuti na rin ang sitwasyon sa Zamboanga City, Occidental Mindoro at iba pang bahagi ng Cagayan Valley.

Samantala, ayon pa kay David, napapanahon ang pagbababa sa Metro Manila sa Alert Level 2 para makabangon ang mga negosyo mula sa epekto ng pandemya.

Bagama’t wala silang nakikitang problema sa ngayon ay nagpaalala ang OCTA sa publiko na manatiling sumunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments