Arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng pumalo sa 3,000 sa kalagitnaan o katapusan ng Hulyo – OCTA

Posibleng pumalo sa 3,000 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa kalagitnaan o katapusan ng Hulyo.

Ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, sa kanilang pagtataya ay maaaring magkaroon ng panibagong peak o pagtaas ng kaso nitong buwan kung saan posibleng umabot sa 1,000 hanggang 3,000 ang daily cases.

Maliban dito, nakikita rin ng OCTA na magkakaroon ng peak o pagtaas ng mga kaso sa CALABARZON at Central Luzon.


Samantala, bagama’t mababa ang hospitalization rate sa NCR ay nauna nang sinabi ni David sa panayam ng RMN Manila na posibleng maging problema sa mga susunod na araw ang hospitalization rate sa ilang rehiyon sa bansa.

Kasunod ito ng pagtalon ng COVID-19 positivity rate ng ilang probinsya sa labas ng Metro Manila habang tumaas rin sa ilang rehiyon ang bilang ng mga nao-ospital dahil sa virus.

Facebook Comments