Posibleng umabot pa sa 5,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay inihayag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David matapos maitala kahapon ang mahigit 4,400 na bagong kaso ng sakit na pinakamataas simula Pebrero 10.
Ayon kay David, asahan na tataas pa ang mga kaso ng COVID-19, pero hindi naman na aabot pa sa 6,000.
Dagdag pa ni David, ang pagsipa ng kaso ay posible dahil sa bumabang proteksyon ng bakuna dahil na rin sa mababang bilang ng mga nagpapaturok ng booster.
Sa kabila nito, nilinaw rin ni David na hindi lamang sa Pilipinas ang nakararanas muli ng pagsipa ng COVID-19 cases dahil may mga bansa rin naman na tumataas ang kaso ng sakit dulot ng Omicron subvariants.
Facebook Comments