Arawang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng umabot sa 22K sa katapusan ng Hulyo – DOH

Posibleng pumalo sa 22,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Ito ay base sa pinakahuling pagtataya ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, itinaas nila ang kanilang projection mula sa inaasahang bilang na higit 11,000 daily cases sa katapusan ng buwan ng Hulyo.


Dagdag pa ni Vergeire, na kung tataas pa ang mobility-pattern ng bansa at kung mababawasan ang pagsunod sa minimum health standards, ay posible talagang maabot ang naturang projection.

Sa kasalukuyan, nasa 1,500 ang average na arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments