Posible pang sumipa sa mahigit 400 ang arawang kaso ng COVID-19 pagsapit ng Disyembre.
Ito ang sinabi ng OCTA Research Team matapos na umakyat sa 411 ang bagong kaso ng COVID-19 simula noong Nobyembre.
Alinsunod ito sa naunang projection ng Department of Health (DOH) na humigit-kumulang 429 na kaso ng COVID-19 bawat araw sa buong bansa.
Sinabi rin ng OCTA research fellow na si Dr. Guido David na tumaas ang NCR covid-19 positivity rate mula 9.4% noong Nobyembre 23 hanggang 11.9% nitong Nobyembre 30.
Dagdag pa nito, tumaas din ang lingguhang mga bagong kaso ng COVID-19 mula sa 264 noong Nobyembre 24 hanggang 411 noong Disyembre 1, na may one week growth rate ng paglago na 56%.
Facebook Comments