Arawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, posibleng bumaba na sa 500 pagsapit ng Disyembre – OCTA

Nakikita na ng OCTA Research Group ang posibleng pagbaba sa 500 ng arawang kaso sa Pilipinas sa Disyembre.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kung magpapatuloy ito ay magiging kakaunti na lamang ang maitalang kaso sa bansa.

Wala na ring nakikitang anumang banta ang OCTA sa sitwasyon ng COVID-19 sa Metro Manila na nasa ilalim ngayon ng Alert Level 2.


Sa ngayon, nakikita din ng OCTA ang pag-plateau o pagpantay ng naitatalang kaso sa Metro Manila bunga ng programang pagbabakuna ng pamahalaan.

Kahapon, aabot sa 849 ang naitalang panibagong kaso sa Pilipinas kung saan bumaba na rin ang active cases na nasa 25,464 o katumbas ng 0.9%.

Nasa 41.31% naman ng target population sa buong bansa ang fully vaccinated na katumbas ng 31.8 million na mga Pilipino.

Facebook Comments