Arawang target na bilang ng mga mababakunahan kontra COVID-19, tumaas pa!

Mas bumilis pa ang programang pagbabakuna ng pamahalaan kontra COVID-19.

Kasabay ito ng patuloy na pagbaba ng kaso ng mga nahahawa sa sakit.

Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., kahapon, October 6 ay umabot na sa 628,099 doses ang naiturok sa bansa na doble sa dating daily rates na nasa 350,000 hanggang 400,000.


Habang nitong martes, nakapagtala rin ang bansa ng 992,665 doses na naiturok sa Pilipinas.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 47.7 million doses ang naipamahaging bakuna sa bansa.

Facebook Comments