Manila, Philippines – Panibagong oil price hike na naman ang sisipa bukas, January 30.
Nasa P0.40 hanggang P0.50 ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.
Ang Oil Price Hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market, bukod pa ang halaga na naidagdag dahil sa Excise Tax.
Mula January 1 hanggang January 27, umabot na sa halos tatlong piso ang nadagdag sa presyo ng diesel at gasolina dahil sa Excise Tax.
Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng kasalukuyang taon na nagpatupad ng Oil Price Hike.
Facebook Comments