Walang anumang bansa ang maaaring magbalewala o magmamaliit sa arbitral ruling sa South China Sea.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa vitural regional summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Muling binigyang diin ng Pangulo na ang pagkapanalo ng Pilipinas noong 2016 sa arbitration laban sa pag-aangkin ng China sa buong South China sea ay bahagi na ng international law.
Malinaw aniya ang posisyon ng Pilipinas, dapat resolbahin ang mga gusot ng mapayapa at alinsunod sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Inihayag din ni Pangulong Duterte ang kanyang pagsuporta sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Aminado si Pangulong Duterte na nananatiling hamon sa ASEAN ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo.
Matatandaang July 2016, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa the Hague ang Pilipinas at iginiit na walang legal na basehan ang China para sa historic rights nito sa lugar o mas kilala bilang ‘nine-dash line.’