Manila, Philippines – Hindi pa matiyak kung maipapaloob sa ilalabas na statement ng ginagap na ASEAN Summit ang tungkol sa arbitral ruling na pabor sa Pilipinas kaugnay sa pinagaagawang isla sa West Philippine Sea o South China Sea.
Ito ang nilinaw ngayon ni department of foriegn Affairs spokesman Rob Bolivar sa kanyang press briefing ngayong gabi sa ASEAN Media Center.
Ito ay matapos lumabas ang chairman’s draft ng declaration ng ASEAN Summit kung saan hindi binabanggit ang tungkol sa territorial dispute.
Ang Pilipinas ang chairman ngayon ng ASEAN at kasapi nito ang mga bansang Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia, Brunei, Vietnam, Laos, Cambodia at Myanmar.
Ayon kay Bolivar, mula ngayong araw hanggang sa magharap na ang mga leader ng nabanggit na sampung banda ay patuloy ang pagplantsa o pagsasapinal ng mga diplomats at senior officials sa lalamanin ng nasabing asean statement.