Arbitral ruling, posibleng hindi na masama sa Code of Conduct sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Posibleng hindi na maisama pa ang arbitral ruling sa pinag-aagawang South China Sea, sa ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.

Ayon Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, ang framework ng COC na inaashang maiendorso ngayong linggo ay “generic” ang outline

Aniya, posibleng maka-apekto ito sa Konstitusyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN.


Gayunman, nilinaw ni Bolivar na kanilang ilalatag ang mga legal basis at mga principle ng law of the sea.

Ang COC ang inasasahang tutuldok sa gulo sa pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.

Facebook Comments