Arbitral ruling sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea, labag sa international law ayon sa China

Nanindigan ang China na labag sa international law at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang arbitral ruling sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng pagpabor ng Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling sa Pilipinas, kung saan idineklara ring“final” at “indisputable” ang arbitration award.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin, hindi nila tinatanggap at kinikilala ang anumang claims na naka base sa arbitral ruling.


Giit pa ni Wang, malinaw na paglabag sa international law ang pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 Hague ruling kung kaya’t itinuturing nila itong null and void, lalo pa’t ang posisyon aniya ng Beijing tungkol sa naturang isyu ay kinikilala ng international community.

Matatandaang mula pa noong 2016 ay ayaw kilalanin ng China ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments