Arbitral Ruling sa West Philippine Sea, dapat munang kilalanin ng China bago pumayag ang bansa sa isang joint exploration

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na bago ikunsidera na kuning partner ang China sa oil at gas exploration sa West Philippine Sea ay dapat munang kilalanin ng China ang arbitral ruling na pabor sa bansa.

Pagbibigay diin ng senadora, dapat munang tanggapin at igalang ng China ang ‘The Hague ruling’ na inilabas noong 2016 kung saan kinikilala ang karapatan at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Hontiveros, kapag ginawa ito ng China ay saka pa lamang magkakaroon ng makatotohanan at tapat na diskusyon ang Pilipinas at China para sa joint exploration.


Batay sa ruling ng Permanent Court of Arbitration, idineklara na walang batayan ang pilit na pangaangkin ng China sa West Philippine Sea kasabay ng pagpapatibay ng desisyon sa pagkilala sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Dagdag pa ng senadora, inaasahan na igigiit ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang sovereign at legal rights ng Pilipinas sa disputed area sa state visit nito sa China sa Enero.

Facebook Comments