Manila, Philippines – Pinakikilos na ni dating National Security Adviser Roilo Golez ang Duterte administration sa ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumabor sa claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa unang anibersaryo ng paborableng desisyon na nakuha ng Pilipinas sa PCA, sinabi ni Golez na upang hindi mawalan ng saysay ang panalo ng bansa, dapat na itong ipatupad ng pamahalaan.
Ayon kay Golez – kung ipagwawalang bahala ng gobyerno ay posibleng akalain ng China na hindi na interesado ang bansa sa ating claims.
Sinabi ni Golez na sa kabila ng mahigpit na pagkakaibigan ngayon ng Pilipinas at China, nagpapatuloy naman ang aktibidad ng china sa west philippine sea at wala siyang nakikitang indikasyon na magbabago sila ng direksyon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558