Arbitral ruling sa WPS laban sa China, hindi isinantabi – Palasyo

Itinanggi ng Malacañang na isinantabi ng Duterte administration ang 2016 ruling ng International Arbitral Tribunal na nagpapawalang-saysay sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – sadyang “unenforceable” o hindi maipapatupad ang arbitral ruling.

Aniya, walang kapabilidad ang Pilipinas na ipatupad ito ng mag-isa at kailangan ng tulong mula sa foreign force.


Idinagdag pa ni Panelo – posibleng mauwi lang sa madugong digmaan kapag nagpatupad ng “armed acts of enforcement”.

Itinuro rin ni Panelo si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na responsable sa pag-angkin ng China sa Panatag o Scarborough Shoal.

Facebook Comments