Archbishop Brown, idudulog kay Pope Francis ang mga hinaing ng mga biktima ng drug war campaign sa Pilipinas

Idudulog ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown kay Pope Francis ang hinaing ng walong pamilya na nabiktima ng anti-drug war campaign sa Pilipinas.

Personal na kinausap ni Archbishop Brown ang mga naulila ng drug war sa St. Arnold Janssen Kalinga Center sa Manila.

Ayon kay Archbishop Brown, naging emosyonal siya habang nakikinig sa mga salaysay ng mga pamilya.


Aniya, magtutungo siya kay Pope Francis sa buwan ng Oktubre at sasabihin sa Santo Papa ang kanilang mga hinaing.

Facebook Comments