HInimok ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katoliko na maging matatag sa pagpili at paggawa ng kabutihan sa kabila ng mga masakit na realidad ng pagtatakip sa korapsyon.
Sa social media idinaan ng arsobispo ang kanyang mensahe, na nagsasaad ng pagrespeto sa batas at iba pang proseso kahit tila mabagal o may pagkakamali; maging matalino sa pagtukoy sa mga ‘false’prophet’; at maging bukal ng kapayapaan sa gitna ng pakikibaka sa kasamaan.
Iginiit ni Villegas na huwag magsawa sa kabutihan dahil aanihin din ang prutas nito kalaunan upang hindi maligaw at panghawakan ang tunay na pananampalataya.
Kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng malawakang korapsyon sa bansa, inilahad ni Presidente sa bansa kahapon na may mga matibay na kasong haharapin ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects at tiniyak na makukulong na ang mga ito bago magtapos ang 2025.
Kaugnay nito, patuloy ang sigaw para sa aksyon ng karamihan sa Pilipino mula sa mga pag-aaklas na ikinasa mula nang umpisang masiwalat ang korapsyon sa mga naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









