‘Habemus Papam’
Iyan ang mga salitang inabangan ng mundo matapos lumabas ang puting usok sa chimineya ng sistine Chapel noong Biyernes ng Madaling Araw (oras sa Pilipinas), hudyat na mayroon nang Santo Papa.
Ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa pamumuno ni Archbishop Socrates Villegas naglabas ng pahayag sa pagkakaluklok ng bagong Santo Papa.
Sa kaniyang mensahe, hinikayat nito ang publiko na huwag bumase sa nasyonalidad o pananaw ukol sa pulitika.
Bagkus ay maigi umano na sundin at ipanalangin ang Santo Papa, na tinawag niyang ‘grace of hope’, sa pagmamahal at maging tulad ni Cristo.
Hinikayat din niya ang mga katoliko na magkaisa at sundin ang mga katuruan na nakaangkla sa banal na kasulatan.
Umaasa naman si Villegas, na maipagpatuloy ni Pope Leo XIV ang naiwang legasiya ni Pope Francis noong siya ay nabubuhay pa.
Si Pope Leo XIV ay ang ika-267 na Santo Papa, at kauna-unahang Amerikanong Pontiff na mamumuno sa 1.4 bilyong katoliko sa mundo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments