Nanawagan si Archdiocese of Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga katoliko na pairalin ang isip sa pagboto ngayong halalan.
Sa video ng arsobispo, sinabi nitong huwag magpadala sa damdamin upang piliing iboto ang mga kandidato base sa kanilang ginagawa tulad ng pagtulong, pagpapaawa at pagbibigay ayuda.
Giit ni Villegas, magkakamali ang mga botante kapag pinairal ang damdamin sa pagboto dahil madaling mahikayat ang mga botante sa mga kandidato na “paawa”, “pa-macho” at “ma-ayuda”.
Kamakailan ay inilabas din ng Archdiocese of lingayen Dagupan ang Gabay Pastoral na tumatalakay sa moral ng mga katoliko sa politika kasabay ng panalangin para sa halalan na sinasambit sa bawat banal na misa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments