Manila, Philippines –Tinawag na traydor ng Catholic Archdiocese of Mexico ang mga kababayan nitong Mehikano na planong tumulong sa pagpapatayo ng kontrobersyal na border wall ni U.S. President Donald Trump.
Una nang sinabi ni Trump na ang pamahalaan ng Mexico ang siyang magbabayad sa pagpapagawa ng pader na layong pigilan ang pagpasok ng mga illegal immigrant sa southern border ng Amerika.
Sa kanilang editoryal, binigyang-diin ng Archdiocese of Mexico na magpapalala lang sa “prejudice” at diskriminasyon ang pagpapatayo ng pader.
Facebook Comments