Kinundina ng Archdiocese of Cotabato sa pinakamataas na anta ang ginawang paglapastangan ng ilang myembro ng BIFF na nagsagawa ng pagsalakay sa Brgy. Malagakit sa bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato noong araw ng Myerkules, Hunyo 21.
Sa mensaheng inilabas ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na walang pinaniniwalaang relihiyon ang may kagagawan ng nasabing paglapastangan.
Itoy kasunod ng ginawang paninira ng mga armado sa ilang kagamitan sa lolob ng kapilya kabilang na ang mga Santo.
Aniya, kahalintulad din ito ang paglapastangan sa mga Mosque and sa banal na Qu’ran ng mga non-Muslim na ayon pa kay Quevedo ay isang malaking kasalanan.
Nais din ng simbahang katoliko sa Diocese of Cotabato na kung nais ng BIFF na magkaroon ng respetadong emahe ng lahat ng relihiyon ay nararapat lamang na kanilang parusahan ang mga myembro nitopng nagsagawa ng kasuklam-suklam na paglapastangan sa bahay sambahan.
Nararapat din umanong e-educate nila ang kanilang mga myembro na dapat ay erespeto ang ibang relihiyon.
Kahapon, itinaas na ng 602nd Brigade ang watawat ng Pilipinas sa Malagakit Elementary School na 9 na oras na inukupahan ng mga armado.
Dito kanilang nadiskobre ang mga sirang kagamitan sa loob ng mga silida aralan kabilang na ang mga vandals ng mga armado na nagsasad ng kanilang pagbabanta kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang plano umanong paglusob sa Davao City.
Photo Courtesy of:
Archdiocese of Cotabato