Magsasagawa ng Penitentiary Walk ang mga kaparian ng Archdiocese of Manila sa darating na Hunyo 1.
Batay sa inilabas na pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, hinihikayat nito ang lahat ng mga pari ng Archdiocese na lumahok sa pagtitipon na gaganapin sa Quiapo Church at Sta. Cruz Church.
Ito aniya ay upang humingi ng awa mula sa Diyos lalo na’t kasalukuyan pa rin tayong humaharap sa problema ng COVID-19 pandemic.
Kasunod nito, hinimok din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalatayang Katoliko na makiisa sa pamamagitan ng online kahit nasa mga bahay at opisina.
Magsisimula sa ganap na 8:30 a.m ang Communal Penitential Service kung saan magkakaroon ng kumpisal sa Quiapo Church para sa lahat ng mga pari.
Habang pagkatapos nito ay magdaraos din sila ng Penitential Walk mula sa Quiapo Church hanggang Sta. Cruz Church at dito gaganapin ang misa.