Archdiocese of Manila, naglabas ng panalangin para sa pagpili ng bagong Santo Papa sa harap ng nalalapit na conclave

Nanawagan ang Archdiocese of Manila sa mga mananampalatayang Katoliko na isama sa panalangin ang nalalapit na conclave o pagpili ng bagong Santo Papa.

Sa inilabas na circular ng Roman Catholic Archdiocese of Manila (RCAM), simula bukas ng hapon ay babasahin na ang panalangin para sa paghalal ng bagong Santo Papa na babasahin pagkatapos ng banal na Komunyon.

Idadagdag naman sa prayers of the faithful o panalangin ng bayan ang:

“Upang gabayan at patatagin ng Espiritu Santo ang mga Kardinal na maghahalal ng bagong Santo Papa na magiging pastol ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.”

Habang pagsapit ng May 7 na simula ng conclave, lahat ng misa sa archdiocese ay ‘para sa Paghalal sa Papa.’

Sakaling may mapili nang bagong lider ng Simbahang Katolika, magdaraos ng Mass for the Pope at babanggitin na rin ang kaniyang pangalan sa Eucharistic Prayer.

Kapag araw ng Linggo naman napili ang bagong Pope, mananatiling para sa Easter o pagkabuhay ang idaraos na Misa.

Facebook Comments