Archdiocese of Manila, nagsagawa ng penitential walk para ipagdasal ang mga botante sa darating na 2022 elections

Ikinasa ng Archdiocese of Manila ang penitential walk para ipagdasal ang mga botante na siyang pipili ng uupong mga bagong opisyal sa darating na 2022 elections.

Ang aktibidad ay kasunod ika-105 anibersaryo ng pagiging martir ng tatlong pari na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora na mas kilala bilang Gomburza.

Nagsimula ang penitential walk matapos ang misa na isinagawa sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula.


Mula Manila Cathedral, naglakad ang mga pari hanggang sa Gomburza memorial marker sa Luneta Park patungo sa Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita.

Nakikiusap ang Archdiocese of Manila sa bawat pilipino na maging maka-Diyos at makabayan sa kanilang gagawing pagpili o pagboto ng mga susunod na lider ng bansa na kinakatawan at isinusulong ang pagbibigay halaga sa kaharian ng poong maykapal.

Facebook Comments