ARCHERY CENTER FOR EXCELLENCE, POSIBLENG ITAYO SA BACNOTAN, LA UNION

Mas pinalalakas pa ang kakayahan ng mga batang archer sa Bacnotan, La Union sa paglalatag ng mga aktibidad at programa na inilaan sa larangan ng archery.

Tinalakay sa isang pagpupulong ng mga opisyal ang posibleng lugar na maaaring pagdausan ng training sa naturang sports at ang posibilidad na pagpapatayo ng Archery Center for Excellence na magsisilbing training hub upang mas mapahusay at mapalawak ang kakayahan ng mga lokal na atleta.

Pinag-usapan din ang posibleng kontribusyon nito sa sektor ng sports tourism bukod pa sa paghubog sa mga atleta sa La Union.

Positibo ang lokal na pamahalaan sa benepisyong maidudulot ng pasilidad sa mas ikauunlad pa ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments