Upang i-educate ang mga empleyado sa paghawak ng records at kung paano mag-comply sa National Archives ng Philippines circulars and standards, ang ARMM ay nagsagawa ng forum hinggil sa wastong pag-imbak ng mga dokumento at records.
“Ang Archiving ay magsisilbing sanggunian pagdating ng panahon, kung ang mga opisina sa rehiyon ay ilalagay sa archive ang mahahalagang dokomento at records ay magiging mas madali sa susunod na administrasyon na magplano para sa susunod na mga programa sa rehiyon” ayon kay records chief Abdulhamid C. Alawi, Jr.
Sinabi naman nina Dr. Ronaldo C. Ferariza at Richel Jane R.Guinto supervising records management analyst ng NAP-Regional Archival Network, ito ay magbibigay ng input sa archives administration, security records, records creation, control at records disposition administration.
Ang isang araw na forum ay kaugnay ng selebrasyon ng 2nd Archives day sa ARMM.