Arci Muñoz – nagsalita na sa isyu ng umano’y pagpaparetoke sa kanyang lips

Manila, Philippines – Nagsalita na ang lead star ng “Can We Still Be Friends” movie na si Arci Muñoz patungkol sa issue na nagparetoke siya ng labi.

Say ng aktres – hindi siya nagparetoke at sinasadiya niyang lagpasan at kapalan ang lipstick niya para mas maging maganda ito.

Paglilinaw pa niya, hindi daw siya tutol sa mga taong nag-a-undergo ng plastic surgery at walang masama kung gagawin din niya ito.


Katwiran ni Arci – lahat ng tao ay may karapatan na gawin ang nais nila sa kanilang katawan kung saan sa tingin niya na magiging mas komportable at lalong magiging confident siya.
DZXL558

Facebook Comments