Inalerto ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang area managers nito sa mga paliparan sa Regions 1 at 2.
Kaugnay ito ng banta ng Bagyong Florita sa Northern Luzon.
Partikular na inalerto ng CAAP ang kanilang mga tauhan sa airports sa Baguio,Laoag,Vigan,Lingayen ,Bagabag,Palanan,Cauayan,Basco at Itbayat.
Pinayuhan din ng CAAP ang kanilang area managers na mag-activate ng mga hakbangun para sa typhoon disaster response.
Nagsasagawa na rin ng inspeksyon sa mga nabanggit na paliparan ang CAAP airport managers.
Facebook Comments