AREAL INSPECTION | PRRD iikot sa mga lugar na naapektuhan ng matinding pag-ulan

Manila, Philippines – Magsasagawa ng areal inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na matinding naapektuhan ng walang tigil na pag-ulan nitong nakaraang weekend dahil sa habagat.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, kung gaganda ang panahon at makalilipad ang chopper ni Pangulong Duterte ay tutuloy ito sa pag-iikot upang makita ang lagay ng ating mga kababayan at malaman kung ano pa ang mga dapat gawin ng pamahalaan para makatulong sa mga apektado.

Tiniyak ni Go na mahigpit ang ginagawang monitoring ni Pangulong Duterte sa sitwasyon at patuloy ang paghingi ng update mula sa Department of National Defense (DND) at sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sinabi din ni Go na tiniyak ni Pangulong Duterte na makararating ang tulong ng National Government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Umapela naman si Go sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na huwag magdalawang isip na lumapit sa kanila at magsabi kung ano ang kailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments