ARESTADO | 11 tao, timbog sa anti-drug operation sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang labing-isang tao kabilang ang pitong nasa drugs watchlist ng Raxabago police sa ikinasang anti-drug operation sa Tondo, Maynila.

Ang pinakabata sa mga nahuli ay 21-anyos habang 66-anyos ang pinakamatanda.

Ayon kay Chief Inspector Manny Israel ng Raxabago police, sa bisa ng search warrant, sinalakay ang Room 301, Building 11 sa Barangay 101 Vitas Katuparan.


Nasamsam sa mga suspek ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu, isang sumpak na kargado ng isang 12 gauge na bala, at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga nahuli ng kasong paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Habang mahaharap din sa paglabag sa republic act 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act ang nahulihan ng sumpak.

Facebook Comments