ARESTADO | 13, huli sa magkakahiwalay na operasyon ng SPD

Kalaboso ang 13 katao kasunod ng magkakahiwalay na operasyon ng Southern Police District (SPD).

Naaresto sa anti-drug operations sa Barangay Singkamas sa Makati City sina Mary Grace Manlangit, Ma. Theresa Bantayan, Mark Anthony Dizo, Danilo Cruz, Jay-Ar Dizon, Romejun Dizon at Kenneth Dizon habang isang Ulysses Tejada naman ang sinasabing nakialam sa operasyon kaya at dinampot din ito.

Nakuha mula sa kanila ang 14 sachets ng shabu, 300 pesos na buy-bust money at ilang piraso ng paraphernalia.


Nahuli rin sa follow-up operation sa Barangay Cembo ang isang Ben Garcia na nakuhanan ng P300.00 na buy-bust money at 15 sachets ng shabu.

Itinuro naman ng mga suspek ang dalawa pa nilang kasabwat na sina Mabella Delgado at Jory Palmes kung saan nasabat sa kanila ang limang sachets ng shabu.

Natimbog din sa Pasay City si Michael Elizondo na nahulihan ng isang pakete na naglalaman ng marijuana habang nasakote sa New Lower Bicutan, Taguig ang pedicab driver na si Noel Replan na nakumpiskahan ng dalawang pakete ng shabu.
Samantala, tiklo rin ang electrician na si Roderick Fernandez sa Pateros dahil sa pagnanakaw ng tatlong kilo ng tanso.

Facebook Comments