Valenzuela City – Arestado ang isang 15-anyos na binatilyo matapos manggulpi at nagnakaw ng cellphone ng grade 11 student sa Valenzuela City.
Sa ulat, unang dinala ang suspek sa police station matapos lumabag sa curfew kung saan nagkataon din na nandoon ang nabiktima nito para mag-report ng nangyari sa kaniya.
Kwento ng 16-anyos na biktima, naglalakad siya galing eskwelahan nang bigla siyang bugbugin ng tatlong lalaki at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.
Namumula pa ang mata at may pasa sa ilong ang biktima nang dumulog sa police station.
Itinanggi naman ng suspek na siya ang nagnakaw ng cellphone pero aminado ito na kasama siyang nambugbog sa biktima subalit hindi niya maituro ang iba niyang kasamahan.
Facebook Comments