ARESTADO | 2 Chinese national, huli matapos manakit ng mga pulis sa Maynila

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang Chinese national matapos saktan ang mga nagrespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sta.Cruz, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Yan Yi Shou,35-anyos at Wu Huia Hong, 30-anyos.

Sa ulat, nanggugulo ang dalawang lasing na suspek sa T. Alonzo at Ongpin Street kaya at nang rumesponde ang mga pulis pero sa halip na tumigil sinuntok, pinagtatadyakan nila ang mga otoridad.


Dahil dito, napilitan ang iba pang pulis na bitbitin sa presinto ang dalawa at sampahan ng patong-patong na kaso.

Facebook Comments