ARESTADO | 2 drug pusher na high value target sa Muntilupa City – timbog sa buy bust operation

Muntinlupa – Arestado sa buy bust operation ang dalawang tulak ng droga na itinuturing din na high value target sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rosalie Malicsi alyas ‘Sally’, 40-anyos at si Juna Carlos alyas ‘Teng’, 35-anyos.

Alas-11:30 kaninang umaga nang madakip ang dalawa sa barangay putatan matapos na pagbentahan ng shabu ang operatiba ng Muntinlupa City Police na nagpanggap na buyer.


Narekober sa kanila ang apat na plastic sachet ng shabu, p1,000 buy-bust money at isang Mitsubishi Adventure.

Dinala na sa Muntinlupa CPS ang mga suspek at inihahanda na rin ang kasong isasampa sa kanila

Facebook Comments