Zamboanga City – Kalaboso ang dalawang drug pushers sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Canelar, Zamboanga City.
Aabot sa P800,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na sina Ismael Jikiri Hanapiya at Omar Jikiri Milan, na kapwa residente ng Barangay Lungan-Gitung, Parang, Sulu.
Nakuha umano mula kanila ang isang medium size at tatlong malalaking pakete ng shabu at ang limang piraso ng P100 bill na ginagamit bilang marked money sa operasyon.
Todo tanggi ang mga suspek na tulak sila ng iligal na droga saka sinabing napag-utusan lamang sila pero hinid nila kilala ang nagpadala ng items.
Facebook Comments