ARESTADO | 2, huli sa anti-illegal drugs operation sa QC

Quezon City – Timbog ang dalawang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng QCPD Station 2 sa Barangay Katipunan, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Nicolo Luna at Ronel Castillo.

Si Luna ay napag-alamang nasa drug watchlist ng Barangay Veterans Village.


Ayon kay QCPD Station 2 Commander Superintendent Rodrigo Soriano – isang concerned citizen ang nagbigay sa kanila ng tip hinggil sa iligal na transaksyon ng dalawa.

Agad namang nagkasa ng operasyon ang mga pulis kung saan nahuli nila sa aktong nag-aabutan ng maliliit na plastic sachet ng shabu ang mga suspek sa loob ng isang apartelle.

Kinasuhan na ang dalawa ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments