ARESTADO | 2, kalaboso matapos na magnakaw ng tsokolate sa isang supermarket sa Makati City

Makati City – Kalaboso ang dalawang lalaki matapos magpuslit ng mga tsokolate sa isang supermarket sa Barangay Bel-Air Makati City.

Nakilala ang mga kawatan na sina Sherwin Abayata at Mark Joseph Dela Rosa na nagnakaw ng tatlong brand ng tsokolate na aabot sa P1,000.00 ang halaga.

Sa ulat, diskarte ng mga suspek na kumuha ng sangkaterbang chocolate saka ilalagay sa loob ng bag kung saan isa sa mga items lang ang kanilang babayaran.


Hindi naman sila umubra sa security guard na si Argel Tandas dahil minanmanan niya ang mga ito hanggang sa maharang niya bago makalabas ng supermarket.

Facebook Comments