ARESTADO | 2 tauhan ng PNP HPG at 2 pa nilang volunteers, huli sa pangongotong

Iligan City – Nadakip sa ginawang entrapment operation ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang dalawang miyembro ng PNP Highway Patrol Group (HPG) at dalawa pa nito mga volunteers sa Iligan City

Sa ulat ng PNP CITF kinilala ang dalawang PNP Personnel na sina Police Senior Inspector Rolando Rigat at SPO2 Crisanto Bernardo.

Ang mga ito ay miyembro ng Regional Highway Patrol Unit 10 (RHPU 10) at Iligan City Highway Patrol Team (ICHPT).


Habang ang mga naarestong PNP HPG Volunteers ay kinilalang sina Mac Harvey Abad at Sidney Cañete.

Alas-6:15 kagabi ng maaresto ang mga ito matapos ireklamo ng isang motorista sa pamamagitan ng Citizens Complaint Hotline, 8888, Office of the President.

Sa reklamo bumabyahe ang motorista sa Macapagal Highway sa Iligan City nang pahintuin ng mga naarestong traffic enforcer dahil sa umano’y violation kahit na wala, na reklamo rin ng iba pang motorista na dumadaan sa lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 3000 marked money at limang libong piso matapos ang entrapment operation.

Nakatakda ng sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga naarestong pulis at mga HPG volunteers.

Facebook Comments