Manila, Philippines – 3.5 kilo ng shabu, nasabat sa isang package na galing US consignee at kaniyang kasama natimbog.
Nagbunga na ang koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa foreign cargo company matapos masabat ang mahigit tatlong kilong shabu na itinago sa mga padalang parsela o package galing ng Estados Unidos.
Napansin ng duty examiner ng isang foreign courier company sa isang cargo hubs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang suspicious package na may lamang organic substance nang dumaan ang cargo sa X-ray screening machine.
Dito na nakita ang kalahating kilong shabu.
Inantay ng PDEA kung sino ang kukuha sa package, nang dumating at mag claim na ang isang Francis Melvin Feliciano, kasama ang isang Rachel dela Cruz, dito sila sinita at nang sitahin ay nakakumpiska sila ng dagdag na tatlong kilo ng shabu.
Batay sa shipping documents, ang shipper ng package ay isang Jason Lee at ang consignee ay isang Michael Espino Cruz.