ARESTADO | 3 drug suspects, tiklo sa buy bust sa Dinalupihan, Bataan

168

Dinalupihan, Bataan – Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buy bust operation kahapon sa Baranggay Pagasa, Dinalupihan, Bataan.

Sa report ng Dinalupihan MPS, kinilala ang mga nadakip na sina Edgardo Guevarra, 55-anyos, may asawa; Jayvee Del Rosario, 31-anyos; at Maricar Diva, 36-anyos.

Nakuha sa kanila ang sampung sachet ng shabu at isang 1 thousand peso bill marked money.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang ikinaso laban sa tatlong suspek.

Facebook Comments