ARESTADO | 3, huli sa buy-bust operation sa Caloocan City

Caloocan City – Arestado ang tatlong indibidwal sa drug buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa 8 Avenue Daang Bakal Street Barangay 59 Caloocan City.

Kinilala ang mga suspect na sina Roman Mariano, 2-anyos, Joanalyn Tayao, 28-anyos at Noraisa Lumabao, 48-anyos.

Ayon kay NCRPO Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, matapos na maiabot ang boodle money na nagkakahalaga ng labing isang libong piso, agad dinampot ang mga suspek.


Nakuha mula sa mga ito ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 3.5 milyong piso.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments