ARESTADO | 3, huli sa iligal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong lalaki kabilang ang dalawang barangay tanod sa ikinasang anti-illegal drugs operations sa F. Munoz kanto ng Zobel Roxas Street sa Malate, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na si Paul Villanueva na isang parking boy at mga tanod na sina Abel Omugtong at Eugenio Salanova.

Sa ulat, nakikipagyabangan pa sa isa’t-isa ang tatlo sa nabiling pakete ng shabu kung saan natiyempuhan sila sa operasyon ng mga pulis sa nasabing lugar.


Bukod dito, ginagamit pa nang dalawang tanod sa pagbili ng droga ang patrol vehicle ng Barangay 787 sa Santa Ana, Maynila.

Nakuha mula sa kanila ang tatlong sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments