ARESTADO | 4 na drug suspek, dinakip sa buy-bust operation sa Baguio

Baguio – Naaresto ang 4 na drug suspek sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at PDEA Cordillera sa Felipe Jose Street, Lower Rock Quarry, Baguio City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Dumagcao, 41 anyos; Alberto England, 28 anyos; John Michael Garcia, 30 anyos at Louie Clemente, 25 anyos.

Ayon kay Chief Supt. Edward Carranza, Regional Director ng Cordillera, nagawa pang manlaban ng mga suspek makaraang makatunog na poseur buyer lang pala ang kanilang katransaksyon.


Pinapatukan ng mga suspek ang mga operatiba at agad na tumakbo sa papalayong direksyon. Tyempo namang may sasakyan na nakapwesto sa daanan dahilan para maharang ang mga suspek.

Inararo ng sasakyan ng mga suspek ang police vehicle sa pagpupumilit na makatakas hanggang sa dito na sila naipit sa metal railings at nasukol ng mga otoridad.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, isang Cal. 9mm Pietro Beretta, isang magazine para sa cal. 9mm; walong live ammunition; tatlong empty shells; isang fired bullet/slug; 2 cellphone at isang SUV na ginamit ng mga suspek sa kanilang transaksyon.

Sa kasalukuyan, naisumute na sa Baguio City Police Office Crime Laboratory Office ang mga nakuhang ebidensya para isalalim sa eksaminasyon habang nakadite naman ang mga suspek sa Station 5 ng Baguio Police.

Facebook Comments