Pampanga – Nasa 69 na mga Chinese at Korean national na umano ay iligal na nagtatrabaho sa bansa ang nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration at Clark Development Corporation (CDC).
Nadakip ang mga dayuhan sa Dongwang Clark Corporation and Clark Sunvalley Country Club sa Pampanga noong Lunes.
Una rito, 93 mga dayuhan ang inimbitahan ng B.I. at CDC para isailalim sa questioning at verification ng kanilang mga travel documents matapos na makatanggap ng ulat na nagtatrabaho sila sa isang construction site nang walang kaukulang permit maliban sa tourist visa.
Agad na pinakawalan ang 24 na Koreano matapos na makapagpakita ng mga valid working permit habang tuluyang inaresto ang natitirang 24 pang Koreano at 45 Chinese.
Agad na ipade-deport ang mga dayuhan oras na masampahan na sila ng kaso.