
Isang babaeng mula sa Eritrea, Africa ang naharang at inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan International Airport sa Cebu dahil sa paggamit ng pekeng Canadian passport.
Kinilala ng BI ang dayuhan na si Safae Hazot Medin Omran, 31 taong gulang.
Ayon kay Medina, pasakay sana si Omran ng Eva Airways patungo ng Taipei para bumiyahe patungo ng Vancouver, Canada nang siya ay maharang ng mga myembro ng BI travel control and enforcement unit.
Hindi rin nakapagprisinta ng iba pang katibayan ang dayuhan na siya ay isang Canadian.
Kalaunan, inamin din ni Omran ang kanyang totoong nationality nang kanyang iprisinta ang kanyang Eritrean passport.
Kinumpirma rin ng dayuhan na nakuha niya ang Canadian passport sa halagang 18,000 Saudi Riyals o P250,000.
Nananatili na si Omran sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City habang inihahanda ang reklamong ihahain laban sa kanya.









