Apat, arestado matapos masabat ang 100 kilo ng marijuana bricks na 15 milyong piso ang halaga

Arestado ang apat na suspek kabilang na ang isang 23 taong gulang na criminology student sa isinagawang buy-bust operation na pinagsanib-pwersa ng Philippine National Police (PNP) Kalinga, Police Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA), sa Tabuk City, noong biyernes.

 

 

Nasabat ang 100 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng 15 milyong piso.

 

 

Ayon sa imbestigasyon mga miyembro ng cyrus drug syndicate ang mga nahuli at nagtutulak din sila ng mga kalapit sa lalawigan kasama ang Metro Manila.


 

Lumabas din sa imbestigasyon na mayroon silang kaalaman sa paggagawa ng langis mula sa marijuana na nalalagay sa vape at e-cigarettes.

 

 

Hindi muna pinangalanan ang mga suspek at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous act.

Facebook Comments