ARESTADO | Apat na tao, kalaboso sa buy-bust operation sa Parañaque City

Parañaque City – Arestado ang apat na suspek makaraang magkasa ng drug buy-bust operation ang Parañaque police sa Barangay BF Homes, Parañaque City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, agad na inaresto ang suspect na kinilalang alyas Jun at tatlong iba pa matapos magkaabutan ng limang daang pisong drug buy-bust money.

Napagalaman na si alyas Jun, ay kalalabas lamang ng kulungan nitong marso sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.


Nagbagong-buhay na umano siya at nagbebenta na lamang ng manok na panabong.

Narekober mula sa mga suspect ang 3 sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet ng hinihinalang marijuana, at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments