Marikina City – Timbog ang 26-anyos na babae makaraang magbenta ng shabu sa Ampalaya Street, Barangay Tumana, Marikina City.
Kinilala ang suspek na si Cherry Ann Isamael.
Agad inaresto ang suspek matapos tanggapin ang 500 pesos na mark money para sa isang pakete ng shabu.
Nang siyasatin ang bitbit na bag, aabot sa 4 na pakete ng iligal na droga ang nakuha kay Isamael.
Aminado ang ginang sa pagbebenta ng shabu dahil aniya, malaki daw ang kita dito kumpara sa ordinaryong trabaho.
Facebook Comments