Manila, Philippines – Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng mga gamot na ‘pampalaglag ng bata’ sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Plaza Miranda PCP Chief, Inspector Leandro Gutierrez, nagsagawa sila ng clearing operations sa lugar nang maaktuhan nila ang 60-anyos na ginang na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Narekober ang magkakahalong gamot na cytotec, methergin at arthroteco mula sa suspek na nagkakahalaga ng 50,000 pesos.
Isa ang suspek sa malaking supplier ng mga nasabing gamot.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa republic act 9711 o food and drug administration act of 2009 at city ordinance on illegal vending.
Nakatakda ring ipasuri ang mga gamot sa Food and Drug Administration (FDA).
Facebook Comments