ARESTADO | Barangay chairman, kalaboso matapos manutok ng baril sa San Pablo City, Laguna

Laguna – Arestado ang isang barangay chairman matapos manutok ng baril sa isang babae sa Barangay San Lucas, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Khennel Follero, outgoing barangay chairman ng Barangay Tres sa Alaminos, Laguna.

Sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente nang dahil sa utang kung saan uminit ang ulo ni Chairman nang hindi makabayad ang hindi na pinangalang biktima.


Agad na nakaresponde ang pulisya matapos humingi ng tulong ang mga kasamahan ng biktima kung saan nakuha kay Follero ang isang kalibre .38 na baril na may anim na bala.

Facebook Comments